![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Chamber of Mines nagpasalamat kay Secretary-Designate Cimatu
NAGPASALAMAT ang Chamber of Mines of the Philippines sa pahayag ni DENR Secretary-Designate Roy A. Cimatu na pumabor sa balansiyadong pagtugon sa pangangalaga ng kapaligiran at responsableng pagmimina. Ipinagpasalamat din nila ang pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nagsusulong ng transparency at maayos na pamamalakad sa mga isyung bumabalot sa pagmimina.
Sa isang pahayag ng Chamber of Mines, sinabi ni G. Cimatu na maraming bansang nakikinabang sa ambag ng industriya at hindi nagwawala ang mga nagsusulong ng malinis na kapaligiran. Magagawa ito, ani G. Cimatu at magkakaroon ng environment protection at responsible mining.
Sinabi naman ni Finance Secretary Dominguez sa 2017 Philippine Extractive Industries Transparency Initiative National Conference na hindi solusyon ang pagbabawal ng pagmimina. Ang solusyon ay maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na kapaligiran at pakinabang ng mga mamamayan.
Ayon sa Chamber of Mines of the Philippines, ang pagmimina ay maaring malakas na kasama ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kanayunan. Nagmimina ang mga kumpanya sa pinakamalalayong pook na walang nagtutungong mga mangangalakal, dagdag pa ng Chamber of Mines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |