|
||||||||
|
||
20170518JimiFlorCruz.mp3
|
Ipinagdiwang po kamaikailan ng Peking University o BeiDa, isa sa mga pinaka-prestihiyosong pamantasan ng Tsina ang ika-119 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Ito rin ay paghahanda para sa enggrandeng pagdiriwang ng ika-120 anibersyo sa susunod na taon.
Bilang bahagi ng kasiyahan, isang pagtitipon ang ginanap kung saan inimbitahan ang ilan sa mga pinaka-kilalalang nagtapos sa nasabing unibersidad, upang ikuwento ang kanilang mga karanasan noong nag-aaral pa sila.
Apat na panauhin mula sa ibat-ibang dekada ang dumalo sa nasabing pagtitipon, at isa po sa mga naroon ay si Jaime FlorCruz, dating Beijing Bureau Chief ng Cable News Network (CNN) at isang proud Pinoy.
Siya po ay pumasok sa BeiDa noong 1977 at nagtapos dito sa kursong Bachelor of Arts in Chinese History.
Sa ating panayam kay Ka Jimi, sinabi niyang ang Tsina ay isang bansang may libu-libong taong kasaysayan at para maunawaan ang Tsina, kailangang maintindihan muna ang kasaysayan at kultura nito.
Ikinuwento rin po ni Ka Jimi ang ilan sa mga unforgetable moments niya, at mga substansyal na pagbabagong nasaksihan noong nag-aaral pa siya sa BeiDa, at mahigit 40 taon niyang pananatili sa Tsina.
Sa nasabing pagtitipon, pinaunlakan ni Ka Jimi ang isang performance: inawit niya sa entablado ang kantang "You Raised Me Up" ni Josh Groban.
Laking gulat po ng inyong lingkod dahil hindi lang pala respetado at legendary na mamamahayag itong si Ka Jimi, siya rin pala ay isang magaling na mang-aawit.
Si Ka Jimi ay kabilang sa Pinoy na nagpunta sa Tsina noong 1971 at nakakuha ng assylum sa bansa dahil sa pagkakadeklara ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasama ni Ka Jimi na nagpunta sa Tsina noong 1971 ay sina Jose Santiago Sta Romana, kasalukuyang Embahador ng Pilipinas sa Tsina at Eric Baculinao, Beijing Bureau Chief ng National Broadcasting Corporation (NBC).
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |