|
||||||||
|
||
20170406ditorhio.m4a
|
Sa pangunguna ng Department of Tourism (DoT) – Beijing Office at Tourism Promotions Board (TPB), idinaos kamakailan sa Hilton Hotel Beijing ang Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings upang i-promote ang turismo ng Pilipinas sa Tsina at palakasin ang pagtutulungan at pag-uugnayan ng mga tourism operators ng kapwa panig.
Dito, sinabi ni Embahador Jose Santiago "Chito" Sta. Romana, bagong Sugo ng Pilipinas sa Tsina, na mahalaga ang pangyayaring ito, kasi inaalok nating pumunta ang mga turistang Tsino sa Pilipinas, at sila ngayon [ang inaasahang] magiging pangunahing turista sa [ating bansa].
Embahador Jose Santiago "Chito"Sta. Romana
Sina Embahador Jose Santiago"Chito" Sta. Romana (kaliwa) at Rhio Zablan(kanan) ng Serbisyo Filipino
Ani Sta. Romana, isang importanteng bagay ang nasabing pagtitipon, dahil malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasulong ng turismo.
Samantala, ipinahayag ni Niel P. Ballesteros, Tourism Attaché ng Pilipinas sa Tsina, na ang target ngayon ng DoT ay tumanggap ng 1 milyong turistang Tsino at ito ay isang target na kayang-kayang abutin.
Niel P
Idinagdag ni Ballesteros, na ayon sa China National Tourism Administration (CNTA), lubhang maliit ang 1 milyon, at iminungkahi nitong itaas sa 2 milyong turistang Tsino ang target ngayong taon.
Ani Ballesteros, ibinibigay ng panig Tsino ang buo at matatag na suporta sa Pilipinas upang maisakatuparan ang layuning ito.
Aniya, kabilang sa mga insentibong alok ng Pilipinas sa mga turistang Tsino ay respsyon sa paliparan, hapunan bilang pagtanggap, ibat-ibang regalo, palabas at pagtatanghal, etc.
Bukod pa riyan, mayroon na rin aniyang plano ang Pilipinas upang magtayo ng outsourcing office sa mga malalaking lunsod ng Tsina para mapabilis at maging episyente ang pagbibigay ng VISA para sa mga Tsino.
Dagdag pa niya, pinaplano na rin ang pagpapahaba ng validity ng VISA para sa mga Tsino, pagbibigay ng VISA-on-Arrival, at No VISA Policy para sa mga Tsinong gustong magbakasyon sa Pilipinas.
Sa kabilang dako, kung ang isang Tsino ay may balidong VISA mula sa Amerika, Japan, Australia, Canada, at mga bansang Europeo (Shengen), hindi na niya kailangang kumuha ng VISA mula sa Pilipinas, at maari siyang manatili sa bansa, sa loob ng isang linggo, ani Ballesteros.
Ayon naman kay Maricon B. Ebron, Manager of International Promotions Department ng Tourism Promotions Board (TPB), malaki ang pag-asang ma-unahan ng Tsina ang Timog Korea bilang pangunahing pinanggagalingan ng turista ng Pilipinas. Aniya, seryoso ang Pilipinas na tanggapin at bigyan ng ka-aya-aya at di-malilimutang karanasan ang mga turistang Tsino sa kanilang pagdalaw sa Pilipinas.
Maricon B
Sa ngayon, nakikipagtulungan aniya ang TPB at Department of Tourism (DoT) sa China National Tourism Administration (CNTA) at iba pang ahensiya ng pamahalaang Tsino upang magkaroon ng sapat na lipad ng eroplano mula Tsina patungong Pilipinas; magkasamang promosyon; taktikal na anunsyo; consumer activation; at pagpapalaganap ng mga napapanahong brochures at ilan pang babasahin.
Ang pinaka-natatangi sa Pilipinas ay ang mga mamamayan nito: ang natatanging ngiti, mainit na pagtanggap sa mga bisita, at pagturing sa mga bisita bilang kapamilya ay ang mga karakteristikong pinaka-katangi-tangi sa mga Pilipino at hindi makikita saan mang dako ng mundo, ani Ebron.
Kaya, naman, nararapat at napapanahon aniya ang bagong islogan ng DoT na "When You're with Filipinos, You're with Family."
James Sy, Head of Asia-Pacific Division, International Promotions Department ng TPB
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |