Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Marawi City siege, maaaring laboratoryo lamang

(GMT+08:00) 2017-06-26 18:45:28       CRI

Marawi City siege, maaaring laboratoryo lamang

PAGSALAKAY SA MARAWI, MAAARING PAGSUBOK LAMANG. Naniniwala si G. Jose Antonio Custodio na posibleng pagsubok lamang ang ginawang pagsalakay ng Maute sa Marawi City upang mabatid kung ano ang tugon ng pamahalaan. Naniniwala siyang walang kasapi ng ISIS sa mga sumalakay bagama't mayaring may salaping iniambag ang ISIS. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si G. Jose Antonio Custodio, isang military historian na ang ginawang pagsalakay ng Maute Group sa Marawi City ay isang paghahanda lamang ng mga kalaban ng pamahalaan.

Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat," kanina, sinabi ni G. Custodio na maaaring naghahanda ang mga kalaban ng pamahalaan upang sumalakay sa ibang lungsod sa Mindanao.

Bagama't hindi naniniwala si G. Custodio na may kinalaman ang ISIS sa gulo sa Marawi City, naniniwala siyang nagpadala ng salapi sa pamamagitan ng mga bangko o ng kanilang sariling paraan upang makakilos ang grupo sa Mindanao.

HINDI BIRO ANG MANIRAHAN SA EVACUATION CENTER. Ayon kay Prof. Sarahg Raymundo ng University of the Philippines, mahirap manirahan sa masikip at kulang na pasilidad na evacuation centre. Ito ang nararanasan ng may dang libong evacuees mula sa Marawi City, dagdag pa ni Prof. Raymundo. (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Prof. Sarah Raymundo, sinabi niyang hindi birong manirahan sa evacuation centers sapagkat bukod sa siksikan ang mga mamamayan, kulang sa mga pasilidad tulad ng palikuran at sapat na tubig na magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Kabilang naman sa 400 kataong humanitarian mission si Felix Pariñas at lubha siyang nalungkot sa kalagayan ng mga kababaihan at mga kabataan sa loob ng evacuation centers.

Ayon kay Isagani Abunda II, media coordinator at advocate ng All-Out Peace Mindanao, ang gulo sa Marawi City ay nag-ugat sa pagkukulang ng pamahalaang malutas ang mga suliraning panglipunan ng mga naninirahan doong Maranaw.

Kailangan ding magkaroon ng maliwanag na programa para sa mga apektado ng kaguluhan, dagdag pa ni G. Abunda.

Sa panig ni G. Custodio, kailangang maibalik sa dati, sa normal ang buhay ng mga nagsilikas subalit nababanaag niyang hindi ito madaling gawin. Binanggit din ni G. Custodio na posibleng nagmamasid ang mga armadong grupo kung paano tumugon ang pamahalaan sa kaguluhan sa Marawi City lalo pa't nakatalaga na ang malaking bilang ng mga kawal ng pamahalaan sa magulong pook.

Huling nagkaroon ng mga sagupaan sa Zamboanga City noong ika-siyam ng Setyembre, 2013 noong sumalakay ang mga tauhan ni Nur Misuari na nagtangkang magtaas ng bandila ng Moro National Liberation Front. Nauwi ang pagtatanggkang ito sa sagupaang naging dahilan ng paglikas ng mga mamamayan tungo sa Zamboanga City Sports Complex.

Samantala, sa panig ng pamahalaan, sinabi ni Undersecretary Ernesto Abella, tagapagsalita ng Tanggapan ng Pangulo, na umabot na sa 387 katao ang nasawi mula ng magsimula ang sagupaan noong ika-23 ng Mayo. May 27 mga sibilyang pinaslang ng mga Maute, may 70 mga kawal at pulis ang napaslang sa mga operasyon samantalang mayroong 290 kasapi ng mga Maute ang napaslang ng mga kawal at pulis.

Nakabawi na rin ang pamahalaan ng mga sandatang umabot na sa 347.

Ani G. Abella, tuloy pa rin ang clearing operations laban sa mga nalalabing mga armado sa apat na barangay. Tuloy ang pagtatangka ng pamahalaang mabawi ang mga hostage ng mga Maute Group. Tuloy pa rin ang operasyon upang mabawi ang mga labi ng mga napaslang.

Problema ng pamahalaan, ayon kay G. Abella ang patuloy na paggamit ng mga hostage na makipaglaban sa pamahalaan. Patuloy pa rin ang paggamit ng mga Maute ng magagaling na sniper, improvised explosives device at maging rocket-propelled grenades. Ginagamit ding pananggalang ang mga sibilyan sa pakikipaglaban ng mga Maute sa mga kawal ng pamahalaan.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>