|
||||||||
|
||
Walang Filipinong nasugatan o nasawi sa Pakistan
SINABI ng Department of Foreign Affairs na walang Filipinong nasaktan o nasawi sa mga pagsabog na naganap sa Pakistan noong nakalipas na Biyernes na ikinasawi ng may 80 katao.
Magugunitang tatlong magkakasunod na pagsalakay ang naganap sa Pakistan noong nakalipas na Biyernes.
Sa ulat naman ng Reuters, nabatid na 13 katao ang nasawi sa suicide bombing sa Quetta, 15 katao naman sa pagsabog sa Parachinar. Nakikiramay din ang Department of Foreign Affairs sa mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |