|
||||||||
|
||
20170704Meloreport.mp3
|
WALANG dapat ikabahala ang mga mamamayan sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao. Ito ang lumabas sa desisyon ng Korte Suprema matapos dinggin ang tatlong hiwalay na mga petesiyon humihiling na ibasura ang deklarasyon.
Ipinagtatanong ng mga nagpetisyon kung ano ang dahilan ni Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng batas militar noong nakalipas na buwan sa Mindanao matapos sumalakay ang mga Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City.
Sa desisyon na 11 nagbasura, tatlo ang naniwalang maaari ang Martial Law sa Marawi City at isa naman ang sumangayon sa tatlong petisyon.
Sa isang press briefer na inilabas ng Public Information Office ng Supreme Court of the Philippines, sinabi ni Atty. Theodore Te na may mga desisyon nang ibinahagi ang mga mahistrado, katig man o hindi at ang mga pahayag na ito ay pinagsasanib pa lamang at maisusumite bukas.
Sa isang Tweet ni Atty. Te, sinabi niya na ang pagkilala sa mga mahistrado ayon sa kanilang mga boto ay maituturing na 'di opisyal at maaaring hindi tama. Nanawagan siya sa mga mamamahayag na maghintay na lamang ng opisyal na pahayag bukas.
Sumangayon ang 11 mahistrado sa kilalanin ang Martial Law ni Pangulong Duterte. Mayorya na ang 11 samantalang tatlo ang nagsabing maaari ang batas militar sa Lungsod ng Marawi samantalang isa ang sumangayon sa petisyon ng iba't ibang grupo.
Magugunitang kabilang sa petisyon ang pagpapatawag sa Kongreso upang pag-usapan ang deklarasyon at nagtatanong ng sapat na dahilan sa pagpapatupad ng batas militar.
May sapat na garantiya ang Saligang Batas ng 1987 upang maiwasan ang pagkakaroon ng malupit na batas militar na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos noong dekada sitenta hanggang otsenta.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |