|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte nagsabing kailangan talaga ang Batas Militar
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na angkop lamang ang kanyang desisyon na isailalim ang Mindanao sa Batas Militar. Sa kanyang pahayag sa San Jose Del Monte sa Bulacan, sinabi ng pangulo na iginagalang niya ang mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ang kanyang pahayag sa kanyang pagdalaw sa pamilya ng lima kataong pinaslang ng mga drug accict. Mahalaga ang martial law sapagkat mapipigilan nito ang kaguluhan sa iba't ibang bahagi ng Mindanao, dagdag pa ng pangulo.
Maguguniting idineklara niya ang batas militar noong ika-23 ng Mayo ilang oras matapos sumalakay ang mga Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City. Sinabihan ng mga pulis at militar na kailangan ang batas militar sapagkat mapanganib ang kalagayan ng Marawi City.
Sapagkat walang maliwanag na hangganan sa pagitan ng dalawang lalawigan ng Lanao, madaling makakatakas ang sinuman at makakaiwas sa mga alagad ng batas. Ipinaliwanag pa ni G. Duterte na sana raw ay naideklara na niya ang batas militar matapos ang pangbobomba ng Maute sa Davao City noong Setyembre ng nakalipas na taon.
Nagbabala pa siyang sa deklarasyon ng Martial Law ay mangangahulugan ng walang humpay na paghahanap sa mga terorista.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |