![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
20170821melo.mp3
|
Public Attorney's Office, tutulong sa Pamilya Delos Santos
TUTULONG ang Public Attorney's Office sa pamilya dela Cruz upang makapaghain ng reklamong murder laban sa mga pulis – Calookan na may kinalaman sa pagkasawi ng 17-taong gulang na mag-aaral.
Ani Atty. Persida Rueda-Acosta, maghahain ng reklamong murder ang pamilya ni Kian Dela Cruz laban sa mga pulis ng Lungsod Kalookan. Ito ang pahayag ni Atty. Acosta sa kanyang pagdalaw sa lamay ni Kian Loyd Dela Cruz sa Barangay 160 sa Caloocan City kanina.
Ayon sa initial report sa autopsy, nagtamo si Kian ng dalawang tama ng bala sa ulo at isang sugat na natamo sa pamamagitan ng panglalansi.
Idinagdag pa ni Atty. Acosta na hindi kokonsentihin ng kanyang tanggapan ang pagmamalabis sa sinoman. Sinabi ng mga pulis na napilitan silang magpaputok kay Delos Sants sapagkat pinaputukan sila ng sinasabing drug courier. Isang CCTV camera ang nagpapakita ng kababalaghan. Nakita sa video na hinihila ng mga pulis ang isang binatilyo.
Ayon sa pulisya, gumanti lamang sila ng putok matapos silang paputukan ng teenager. Iginiit nilang hindi si Kian ang nasa video.
Ang tatlong pulis na sangkot sa operasyon na kinilala sa mga pangalang Police Officers 1 Jeremias Pereda at Jerwin Cruz and isang Police Officer 3 Arnel Oares ang inalis na sa kanilang trabaho ay dinala sa tanggapan ng National Capital Region Police Office.
Ang kanilang precinct commander na si Chief Inspector Amor Cerillo at Caloocan City Police chief Sr. Supt. Chito Bersaluna ay inalis na rin sa kanilang puesto.
Dinalaw din ni Chief Public Attorney Acosta ang pook na pinangyarihan ng krimen at nagsabing walang tatakbuhan ang biktima. Dumalaw din si dating Vice President Jejomar Binay sa burol. Ani dating Vice President Binay, ang mga tama ng bala sa ulo ay naglalayong patayin ang biktima. Kailangan umanong mapigilan ang mga pagpatay sa paglaban sa droga.
Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa krimen. Gumagawa rin ng hiwalay na imbestigavsyon ang mga tauhan ng Philippine National Police Internal Affairs Service. Gagawa rin ng pagsisiyasat ang Senado sa mga nagaganap sa bansa.
Halos 90 katao ang napaslang sa sinasabing "One Time, Big Time" operations sa Bulacan, Cavite at Metro Manila noong nakalipas na linggo.
Napaslang si Kian Loyd delos Santos sa isang police operation noong Miyerkoles ng gabi sa Caloocan City samantalang isinasagawa ang sinasabing "Operation One Time, Big Time" ng Philippine National Police.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |