![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
20170809melo.mp3
|
PAGBANGON NG MARAWI, INAASAHAN. Naniniwala si Zoraidah Ali (gitna), isang dalubhasa sa pananaliksi, na makababangon ang Marawi City. Mas maraming babalik sa Marawi City sapagkat iba ang pagmamahal ng mga mamamayan sa kanilang napinsalang lungsod. Na sa gawing kaliwa si Bb. Sittie Almairah Lomondot mula sa gurpo ng kababaihan at nasa kanan si Bb. Jing Rey Henderson ng CBCP NASSA na kabilang sa mga tumutulong sa mga lummigas patungo sa Iligan at Cagayan de Oro Cities. (Melo M. Acuna)
KAILANGANG masimulan ang pagsasaayos ng Marawi City sa pinakamadaling panahon. Ito ang nagkakaisang panawagan ng mga naninirahan sa Marawi City na dumalo sa katatapos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina.
Sa panig ni G. Fahad Pimping na mula sa sektor ng edukasyon, kailangang masimulan ang pagbabalik sa paaralan ng mga kabataan sapagkat isang paraan ito upang mailayo ang mga naninirahan sa Marawi City na mahulog sa kampanya ng mga kalaban ng pamahalaan.
Ikinalulungkot ni G. Pimping na tanging pagdadala ng mga mag-aaral sa public schools ang binibigyang-diin ng pamahalaan samantalang malaking porsiyento ng mga kabataan ang nag-aaral sa mga pribadong eskwelahan.
Sa panig ni Zoraidah Ali, isang junior policy research associate ng StratSearch, may mga nagsilikas na apektado na ang pag-iisip sa pangambang hindi kaagad makababalik sa kanilang mga tahanan.
Sinabi naman ni Bb. Sittie Almairah Lomondot ng Women's Peace Table, isang malaking dagok sa mga Maranao na manirahan sa evacuation centers na walang privacy. Pinahahalagahan ng mga Maranao ang paghihiwalay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan sa tahanan lalo na kung hindi magkakamag-anak. Dito mangangailanan ng madaliang pagbabalik sa mga nagsilikas mula sa magulong lungsod.
Mayroong kinikilalang pamantayan ang National Secretariat of Social Action, Justice and Peace sa pagtanggap sa mga donasyon. Tanging 20% lamang ang kinikilalang sapat na bahagi para sa mga administrative costs samantalang 80% ng donasyon ang nararapat maibigay na serbisyo at kagamitan ng mga nagsilikas.
Ito ang paliwanag ni Bb. Jing Rey Henderson, tagapag-salita nc CBCP-NASSA at handa silang makipagtulungan sa sinumang nais tumulong sa mga nangangailangan.
Para kay Architect Stephanie Guilles, chairperson ng United Architects of the Philippines Emergency Response team, handa silang mag-alok ng mga kailangang mga matitirhan ng mga nagsilikas. Kahit pa mayroong karaniwang programa ang pamahalaan para sa pabahay, handang tumulong ang mga arkitekto sa paraang legal.
Hindi kailangan ang malalayong resettlements, dagdag pa ni Architect Guilles sapagkat babalik at babalik din ang mga biktima sa oras na magkaroon ng pagkakataon sa mga pook na may hanapbuhay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |