|
||||||||
|
||
20170822flb.mp3
|
SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na gumaganda ang takbo ng ekonomiya sa Pilipinas sa pagtatamo ng 6.5% growth sa Gross Domestic Product sa ikalawang tatlong buwan ng taong2017.
Sa kanyang pangunang salita sa idinaos na pagtitipon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Manila Diamond Hotel, sinabi ni Secretary Dominguez na bukod nakamtang kaunlaran, umaasa siyang lalawak ang paglagong ito at masasabayan ng mga programa hinggil sa pagbabawas sa kahirapan sa pamamagitan ng paggasta ng mga mamamayan. Magiging matatag ang kaunlarang ito, dagdag pa ni Secretary Dominguez.
Ito ang ibinalita ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa idinaos na pagbabalitaan ng mga kasapi sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina. (Melo M. Acuna)
Malaki ang papel ng mga investments o kalakal kungdi nasasabayan ng programang makabuluhan sa pagpapayabong ng pambansang ekonomiya. Matagal na ang ginugol na panahon ng 'di paggasta kaya't napapanahong pakinabangan na ang mga naipong salamat at mahahalagang programa sa larangan ng ekonomiya. Tinitingala rin ang Pilipinas sa larangan ng kaunlaran ayon pa kay Secretary Dominguez.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |