|
||||||||
|
||
Maliit na bahagi ng lipunan ang nakararating kolehiyo
Sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na kailangang magkaroon ng pagsusulit ang mga nagnanais pumasok sa kolehiyo sapagkat umaabot lamang sa 12% ang nakararating sa mas mataas na antas ng pag-aaral dahil sa kahirapan. (Melo M. Acuna)
UMAABOT lamang sa 12 porsiyento ng mahihirap ang nakararating sa kolehiyo. Ito naman ang sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno.
Ipinaliwanag niyang mas makabubuting maturuan na ang mga kabataan sa unang anim na taon, sa mababang paaralan sapagkat marami sa mga mag-aaral ang 'di nakararating sa pagkadalubhasa sa mga pamantasan.
Tinataya ni Secretary Diokno na nasa kolehiyo ang may 1, 200,000 kabataan. Nagkataon nga lamang sa pagpapatupad ng K-12, wala munang nasa ikalawang taon sa kolehiyo.
Isang paraan upang mabatid kung sino ang karapatdapat makapag-aral sa kolehiyo ay ang pagbibigay ng pagsubok o tests sa mga nais pumasok sa kolehiyo. Maituturing itong katulad ng National College Entrance Examination na ginawa noong dekada sitenta.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |