|
||||||||
|
||
SINABI ng Department of Foreign Affairs na walang natatanggap na balita hinggil sa mga Filipinong posibleng naging biktima ng pamamaril sa isang konsierto sa Las Vegas.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, walang natanggap na balitang may nasawi, nasugatan o apektado sa insidente.
Samantala, sinabi naman ni Los Angeles Consul General Adelio Angelito Cruz na nakikipagtulungan sila sa Las Vegas Metropolitan Police Department at sa mga samahan ng mga Filipino-American nationals.
Idinagdag niyang sinabi ng sheriff ng Las Vegas police department na magtatagal ng ilang araw bago makilala ang mga biktima kaya't magtutungo sila sa Las Vegas.
Namaril ang isang nakilalang Stephen Paddock, 64 taong gulang na nagpaputok sa isang country music concert sa Las Vegas noong Lunes ng gabi na ikinasawi ng may 59 katao at ikinasugat ng higit sa 500 iba pa.
Isang Filipina na kinilalang si Marilou Danley na naunang ibinalitang may pagka-alam sa pamamaril ay nabigyan ng clearance ng pulisya sa Las Vegas.
Wala umano si Danley sa America at nabalitang nasa Pilipinas noong maganap ang pamamaril.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |