|
||||||||
|
||
Mga senador, wala pang desisyon kung patatagalin pa ang Martial Law sa Mindanao
HINDI pa kailangang alisin ang Martial Law sa Mindanao kahit pa napaslang na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute kahapon.
Sinabi nina Senador Panfilo Lacson at Sonny Angara na sa oras na maglabas ng rekomendasyon ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na alisin na ang batas militar ay saka lamang sila sasangayon. Sa hiwalay ng pahayag, sinabi nilang may access sa intelligence information ang mga taga-DND at Armed Forces of the Phillippines.
Sinabi ni Senador Lacson na nakaaalam ng detalyes ang DND at AFP kaya maghihintay na lamang siya ng rekomendasyon na ibibigay kay Pangulong Dutertre.
Nararapat lamang parangalan ang mga kawal sa kanilang nagawa kahapon, dagdag pa ni G. Lacson.
Inamin naman ni Senador Angara na wala silang impormasyon tulad ng mga kawal at mga opisyal ng Department of National Defense. Tiyak na kikilalanin ng mga autoridad ang kahalagahan ng pagpaslang kina Hapilon at Maute, dagdag pa ni G. Angara.
Sa panig ni Senador Francisco Pangilinan, naniniwala siyang marapat nang alisin ang Martial Law sa Mindanao. Ito rin ang pananaw ni Senador Risa Hontiveros. Naging emosyonal ang debate noon sa House of Representatives hinggil sa extension ng Martial Law.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |