|
||||||||
|
||
20171009melo.mp3
|
Department of National Defense, humingi ng paumanhin
HUMINGI ng paumanhin si Director Arsenio R. Andolong ng Public Affairs Service ng Department of National Defense sa pamahalaan ng People's Republic of China sa pamamagitan ni Ambassador Zhao Jianhua sa sinasabing napakalaki subalit 'di sinasadyang pagkakamali matapos mailagay ang maling simbolo sa isang bandila na kumakatawan sa Ministry of Defense ng Tsina.
Sa isang pahayag na inilabas ngayon, ang Public Affairs Service na pinamumunuan ni G. Andolong ay nagsabing nagpadala na sila ng "official apology" sa pamahalaang Tsino.
Kinikilala at pinahahalagahan ng Pilipinas ang tulong mula sa Tsina at inuulit nila ang pagsunod ng Department of National Defense at Armed Forces of the Phyilippines sa "One China" policy na ipinatutupad ng pamahalaang Filipino.
Umaasa umano ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na hindi makasasama sa magandang relasyon ng dalawang bansa na patuloy na gumaganda sa nakalipas na isang taon ang insidente.
Nagamit umano ng Department of National Defense ang simbolo ng Taiwan sa handover ceremony na kinatampukan ni Ambassador Zhao na nagkaloob ng ilang piraso ng may 3,000 assault rifles, mga bala at teleskopyo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo Ano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |