|
||||||||
|
||
Walang pasok sa NCR, Bulacan at Pampanga
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte and Proclamation No. 332 na nagdedeklara ng walang pasok sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga mula ika-13 hanggang ika-15 ng Nobyembre. Special non-working holidays ang mga ito.
Sinuspinde ang pasok sa pagdaraos ng 31st ASEAN Summit and Related Summits.
Kasunod ng proklamasyon ng Malacanang, deklarado rin ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na suspendido ang mga hukuman sa National Capital Region, Pampanga at Bulacan mula ika-13 hanggang ika-15 ng Nobyembre.
Sinabi ng punong mahistrado na ang access issues at security preparations para sa international summit ang dahilan ng suspensyon ng trabaho sa mga hukuman.
Inatasan din niya ang executive judges sa first at second level courts sa National Capital Region, Pampanga at Bulacan na magkaroon ng skeletal force upang tumanggap ng emergency filings at maglabas ng kaukulang desisyon ayon sa pangangailangan ng pagkakataon.
Ang mga first level court ay kinabibilangan ng Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities at Municipal Circuit Trial Courts samantalang ang second level courts ay ang mga Regional Trial Court.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |