|
||||||||
|
||
20171128melo.mp3
|
Presidential Spokesman Roque, humarap sa mga kasapi ng FOCAP
ANG kakaibang political will na ipinamamalas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kaya't masigla ang ekonomiya ng bansa. Ito ang sinabi ni Secretary Harry Roque, ang bagong hirang na presidential spokesman at presidential adviser on Human Rights sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP.
Naniniwala umano ang credit rating agency na Moody's Investors' Service na lalago ang ekonomiya ng bansa sa 6.5 percent ngayong taon at makakamtan ang tinatayang target na 6.5 hanggang 7 percent. Ayon din sa Board of Investments, umabot na sa halagang P 408 bilyon ang investment approvals sa unang sampung buwan ng taon. Mas mataas umano ito ng 38.1 percent kung ihahambing sa taong 2016.
Isa sa mga magpapasigla sa ekonomiya ang infrastructure development program ng pamahalan na katatagpuan ng tuloy na paggasta ng pamahalaan. Sa pagtatayo ng mga daang bakal, umaasa ang pamahalaan na magkakaroon ng dagdag na investments sa bansa.
Ani Secretary Roque, sa pagtatapos ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings, nakatanggap ang Pilipinas ng milyon-milyong dolyar sa pagpapatayong muli ng Marawi City. Makakapsok na rin ang mga saging mula sa Plipinas sa Australia, Japan at Korea.
Ikinalungkot din ni Secretary Roque ang hindi pagtutumbas ng katapatan ng mga rebeldeng kasapi sa New People's Army kaya't naudlot ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at mga kasapi ng Communist Party of the Philippines.
Nakikipagtulungan naman ang Pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front at maging sa Moro National Liberation Front sa pag-asang matatapos na ang kaguluhan sa Mindanao. Magkakaroon umano ng special session upang madali ang pagpapasa ng mga panukalang tugon sa mga problema sa Mindanao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |