|
||||||||
|
||
Volunteers Against Crime and Corruption, nanawagan kay Pangulong Duterte
SINABI ng Volunteers Against Crime and Corruption ang kailangang maging mabuting halimbawa ang pamahalaan sa pagsugpo ng katiwalian. Sa isang resolusyong ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte nina Chairman Dante Jimenez, kailangang makita ang reporma sa mga tanggapan ng pamahalaan at mapanagot sa lahat sa kanilang mga gagawin upang mabawasan ang pakikialam ninoman sa pagpapatakbo ng burukrasya.
Ipinagkaloob ni G. Jimenez ang kanilang resolusyon kay Pangulong Duterte sa pagdaraos ng Anti-Corruption Summit sa Philippine International Convention Center kanina.
Kailangan ding maging propesyunal ang serbisyo sibil na pararangalan at bibiyayaan ang mga may kakayahang maglingkod sa mga mamamayan. Kailangan ding parusahan ang mga lumalabag sa batas sa pagtatanggol din sa mga krimeng kagagawan ng iba't ibang grupo tulad ng pandarambong at paglabag sa procurement law ng pamahalaan.
Hindi rin kailangan ang dagdag na buwis sapagkat ang nararapat gawin ay pag-ibayuhin ang pagkolekta ng mga nararapat bayaran ng mga mamamayan at mangangalakal.
Nararapat ding baguhin ang database systems sa mga transaksyon sa pamamagitan ng maaasahang teknolohiya na kailangang manatiling ligtas sa hackers at iba pang mga kriminal.
Imingungkahi din ng grupo na kailangang kunin ang pinakamatatalino sa pamahalaan sa pagkakaroon ng "integrity schools" sa mga lalawigan.
Kailangang matiyak na makakasama sa mga palatuntunan ng pamahalaan ang mga mahihirap at walang pipiliin sa mga nararapat makinabang. Pagiibayuhin din ang limang sangay ng criminal justice system upang magkaroon ng malinis na pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |