![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
171220melo.m4a
|
Pangulong Duterte nag-utos ng tigil-putukan sa mga NPA; nanawagang suklian ang ginawa ng pamahalaan
NAG-UTOS si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng tigil-putukan sa panahon ng Kapaskuhan hanggang Bagong Taon. Ito ang pahayag ng Malacanang kanina.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sinabi na ni Pangulong Dutgerte ang suspension ng military operations mula sa ika-24 ng Disyembre hanggang sa ikalawang araw ng Enero ng 2018.
Sa pahayag ni Secretary Roque, ang unilateral ceasefure ang siyang makababawas sa pangamba ng mga mammayan sa Kapaskuhan. Umaasa ang pamahalaan na magkakaroon din ng deklarasyon ang Communist Party of the Philippines, New People's Army at National Democratic Front upang makita rin ang kanilang kabutihang-loob.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na susunod sila sa kautusan ni Pangulong Duterte bagaman niliwanag niyang hindi sila ang nagrekomenda sa pangulo na magdeklara ng tigil-putukan.
Tutugon din ang Philippine National Police sa kautusan sa oras na makatanggap ng direktiba mula sa tanggapan ng pangulo. Ayon kay Chief Supt. Dionardo Carlos, maglalabas din sila ng kautusan sa kanilang mga tauhan hinggil sa tigil-putukan.
Nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalaw sa burol ni Police Officer 3 Wilfreedo Gueta kanina na kinikilala niya ang pagdedeklara ng tigil-putukan sa New People's Army upang makapagdiwang ng Pasko ang mga mamamayan nang walang pagdududa at pangamba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |