Metro Manila subway project, masisimulan sa ikatlong kwarter ng 2018
MAGSISIMULA ang proyekto para sa Metro Manila subway sa ikatlong kwarter ng 2018. Ito ang sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina.
Umaasa ang Department of Transportation na masisimulan ang Phase 1 sa ikatlong kwarter ng 2018. Tinatapos na ang feasibility study at may design and build sapagkat isa ang proyektong ito na 'di matatapos sa panunungkulan ni pangulong Duterte. Makaasa ang madla na magkakaroon ng subway sa Metro Manila.
Nagkasundo na sina Secretary Alan Peter Cayetano at Japanese Ambassador to the Philippines Kojie Haneda hinggil sa Metro Manila Subway Project. Tinatayang nagkakahalaga ng P 355.6 bilyon o 104.53 bilyong Yen, tutustusan ito ng Official Development Assistance mula sa Japan. May haba itong 25.3 kilometro mula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at magkakaroon ng 13 istasyon.
1 2 3 4 5