|
||||||||
|
||
Melo 20171229
|
PAGASA, nagbabala ng pagbaha
BAHA SA MGA LANSANGAN NG LEGAZPI CITY. Ito ang larawan sa iland barangay sa Legazpi City kaninang hapon dala ng malakas na ulan. (Melo Acuna)
BINALAAN ng PAGASA ang mga naninirahan sa Bicol region na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dala ng pinaka-buntot ng "cold front."
Nagbabala ang PAGASA kaninang bago sumapit ang katanghalian na magkakaroon ng malubhang pagbaha at pagguho ng lupa sa Albay kaya't isinailalim ang lalawigan sa "Red Warning Level."
Saklaw ng "Orange Warning Level" ang Catanduanes na namimiligro sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mabababang pook.
Posibleng maganap din ang pagbaha at pagguho ng lupa sa Camarines Sur at Sorsogon na saklaw ng "Yellow Warning Level." Magkakaroon naman ng banayad hanggang sa posibleng paglakas ng ulan sa Camarines Norte.
Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang isa na namang sama ng panahon na makapapasok sa Pilipinas sa bisperas ng Bagong Taon. Papangalanan itong "Wilma." Ito rin ang ika-23 sama ng panahong daraan sa Pilipinas.
Posibleng tumama ang sama ng panahon sa hilangang Mindanao na malubhang tinamaan ng bagyong "Vinta."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |