|
||||||||
|
||
Higit sa 2,500 mangangalakal, nadakip ng National Food Authority
NADAKIP ng mga alagad ng National Food Authority ang higit sa 2,500 mangangalakal sa iba't ibang paglabag sa alituntunin ng ahensya.
Sa isang pahayag, bahagi ng kanilang industry regulation and development program, dinalaw ng kanilang mga tauhan ang mga pamilihan at nagpatupad ng mga kaukulang kautusan.
Sa mga nadakip, nakapagmulta sila ng higit sa P 12.2 milyon at administrative fines and fees na umabot naman sa P 1.8 milyon.
Sinabi ni NFA Administrator Jason L. Y. Aquino na inutusan niya ang kanilang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang mga regulasyon upang mabantayan ang mga karapatan ng mamimiling Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |