|
||||||||
|
||
Kapistahan ng Itim na Nazareno, payapang naipagdiwang
NAGPASALAMAT ang lahat ng mga bumubuo ng komite na nasa likod ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno. Bagama't may isang nasawi sa pagdiriwang, payapa ang buong maghapon at magdamag mula sa paghahatid ng imahen ng Nazareno sa Luneta hanggang sa makabalik sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo.
Magugunitang pinatay ng mga telecommunication company ang signal ng mobile phones mula kahapon ng umaga hanggang kaninang madaling araw upang maiwasan ang paggamit ng mga remote controlled explosives.
Ayon kay Director Oscar Albayalde ng National Capital Region Police Office, may 11 araw silang naghanda mula noong ika-31 ng Disyembre hanggang sa prusisyon na nagmula ikalima ng umaga kahapon hanggang ikatlo ng umaga kanina. Umabot sa 7.6 milyon ang mga deboto na lumahok sa pagdiriwang at walang anumang security o untoward incidents. Nagkaron ng 469 na medical emergencies na natugunan at may limang batang nawala subalit naibalik na sa kanilang mga magulang.
Malaking bagay ang pagtutulungan ng mga nangangasiwa sa seguridad, kapayapaan at emergency preparedness mula sa iba't ibang samahan.
Para kay Director Albayalde, nagpasalamat din siya kay PNP Director General Ronald M. dela Rosa at sa pamahalaang lungsod sa ilalim ni Mayor Joseph Estrada at kay Manila Police District Director Joel Coronel at sa rector ng Basilica Minore ng Itim na Nazareno na si Msgr. Hernando Coronel at sa lahat ng nakiisa sa pagtiyak na maayos at payapa ang pagdiriwang ng kapistahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |