|
||||||||
|
||
Melo 20180219
|
Banyagang terorista, nadakip ng mga alagad ng batas
PINAGHIHINALAANG TERORISTA, NADAKIP. Kinilala ni PNP Director General Ronald M. dela Rosa ang sinasabing banyaga na si Fehmi Lassoued (naka-orange t-shirt), isang Egyptian na mayroong Tunisian passport. Kasama niye nadakip si Anabel Moncera Salipada na taga-Upi, Maguindanao. (PNP Photos)
NADAKIP ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang isang pinaghihinalaang banyagang terorista at ang kanyang kasamang Filipina sa Ermita, Maynila noong nakalipas na Sabado.
Ani PNP Director General Ronald M. Dela Rosa, sa pagsasanib ng PNP at AFP sa operasyon laban sa mga terorista sa Marawi City, nadakip nila ang isang Fehmi Lassoued na may alias na John Rasheed Lassoued na taga-Egypt at ang kanyang kasamang si Anabel Moncera Salipada, 32 taong gulang na taga-Upi, Maguindanao.
Nadakip sila sa Room 409 Casa Blanca Apartment sa Malate sa isang paghahalughog ng Regional Police Intelligence Operations Unit ng National Capital Region Police Office at AFP Joint Special Operations Group sa utos ni Judge Benjamin Puzon ng Branch 139 ng Makati City Regional Trial Court.
Nadakip ang dalawa matapos madiskubre ang iba't ibang sandata, bala at mga kagamitan sa pagbuo ng improvised explosive device tulad ng mga electronic circuits, resistors, capacitors, mga baterya at mga tubo.
Sa isang press briefing, sinabi ni General dela Rosa na mayroong Tunisian passport si Lassoued at pinaniniwalaang kasapi ng isang international terrorist organization.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |