|
||||||||
|
||
Pagbimbin kina Argosino, Robles at Sombero, tinanggihan ng Philippine National Police
TINANGGIHAN ng Philippine National Police na mabimbin sa PNP Custodial Center ang napatalsik na deputy immigration commissioners Al Argosino at Michael Robles at retiradong police officer na si Wally Sombero sa punong-punong piitan.
Napapaloob sa walong pahinang tugon ni Chief Inspector Romulo Flores II sa kahilingan ng tatlo na ilipat na lamang ang tatlo sa Camp Bagong Diwa ang siyang magpapasama sa imahen ng Bureau of Jail Management and Penology.
Ayon kay Flores, ang BJMP lamang ang ahensyang may obligasyong tanggapin sina Argosino, Robles at Sombero. Hindi binuo ang PNP Custodial Center upang paglagakan ng detention prisoners.
Nanganganib umano sina Argosino, Robles at Sombero sa BJMP detention facility sa Camp Bagong Diwa kaya humiling na sa PNP Custodial Center na lamang manirahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |