Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa 3,200 mga kabataan ang naospital matapos mabakunahan ng Dengvaxia

(GMT+08:00) 2018-04-13 18:41:31       CRI

Tatlong mahahalagang programang pangkaunlaran, inihanda na

MAYROONG tatlong malalaki at mahahalagang proyektong magpapaunlad sa Gitna at Hilagang Luzon. Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang press conference bilang paghahanda sa ika-51 Annual Governors' Meeting ng Asian Development Bank na nakatakdang simulan sa unang linggo ng Mayo.

Sa isang press briefing sa ASEAN Convention Center sa Clark Freeport Zone, malaki ang ilalabas na kapital ng pamahalaan upang maging major alternative growth areas.

Ang mga proyektong ito ay nakapasa na sa pagsusuri ng National Economic and Development Authority.

Kabilang sa mga proyekto ang P4.37 bilyong Chico River Pump Irrigation Project na magpapatubig sa 8,700 ektarya ng mga sakahan na pakikinabangan ng 4,350 magsasaka sa 21 mga barangay sa mga lalawigan ng Cagayan at Kalinga.

Kasama rin ang P 211 bilyong Philippine National Railways North 2 Project na magiging koneskyon ng Malolos sa Bulacan sa Clark International Airport at sa Clark Green City.

Mayroon ding inilaang P 12.55 bilyon para sa Clark International Airport New Terminal Building upang madagdagan ang kapasidad para sa walong milyong pasahero taun-taon.

Ani G. Dominguez, ang Clark ang magiging growth driver para sa Gitna at Hilangang Luzon.

Idaraos ang taunang pulong ng lupon ng nangangasiwa sa Asian Development Bank mula ikatlo hanggang ika-anim ng Mayo. Mayroong 67 kasaping bnasa sa ADB. Inaasahang magkakaroon ng 3,000 mga delegadong dadalo sa pulong kabilang ang mga ministro ng pananalapi at mga gobernador ng kani-kanilang bangko sentral, may-ari ng bangko, mga kinatawan ng pribadong sektor, civil society, academe, multilateral institutions at mga mamamahayag.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>