Dating Justice Secretary Aguirre, tumangging nagkaroon ng pagsira sa mga dokumento
TINANGGIHAN ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang paratang na sinira nila ang ilang mga dokumento sa kanyang tanggapan. Lumabas ang impormasyon sa dalawang pahayagan.
Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aalamin niya ang katotohanan sa balita.
Wala umano siyang inutusang magsira ng mga dokumento sa pamamagitan ng shredding machine at kung nagkaroon man, wala siyang kinalaman dito.
Magkakaroon ng internal inquiry sa loob ng Department of Justice, dagdag pa ni G. Guevarra. Ipinagtanong naman ni G. Aguirre kung anong labag sa batas kung nagkaroon man ng shredding. Maaaring ginawa ang shredding upang maalis ang mga basura sa tanggapang papasukan ni G. Guevarra. Karaniwan umano itong ginagawa sa mga tanggapan ng pamahalaan at maging sa pribado, dagdag pa ni Aguirre.
1 2 3