Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Pangulong Aquino at mga kasama, pinakakasuhan na

(GMT+08:00) 2018-04-12 15:32:22       CRI

Dating Pangulong Aquino at mga kasama, pinakakasuhan na

INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon na ipagsakdal sina dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, dating Health Secretary Janette Garin, Budget Secretary Florencio Abad at ilan pang mga opisyal ng Department of Health.

Ang pahayag ay nagmula sa serye ng mga imbestigasyon ng kanyang komite sa kontrobersyal na pagbili ng Dengvaxia vaccine na nagkakahalaga ng P 3.5 bilyon noong mga huling araw ng Disyembre 2015 at unang ilang linggo ng Enero 2016. Naglunsad sila ng malawakang pagbabakuna sa mga kabataan sa iba't ibang paaralan sa ilang rehiyon sa bansa.

Binili ang bakuna sa likod ng mga pagtutol ng ilang mga manggagamot, propesyunal at mga dalubhasa.

Kriminal umano ang ginawang pagsasabwatan ng mga kinauukulan sapagkat hindi rin kinilala ang reputasyon o background ng kumpanyang nagbili ng bakuna, ang Sanofi Pasteur. Pinakakasuhan ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices ang mga opisyal na nasa likod ng pagbili ng bakuna.

Nagsimula ang pagbabakuna mga huling linggo ng Marso at unang ilang araw ng Abril noong 2016, ilang linggo bago sumapit ang pambansang halalan.

Noong nakalipas na Nobyembre ng 2016, sinabi ng Sanofi Pasteur na malaki ang posibilidad na magkadengue ang walang anumang karanasan sa dengue sa oras na mabakunahan.

Ani Senador Gordon, napasa-panganib ang buhay ng may 830,000 mga kabataang nabakunahan.

Samantala, sa pahayag naman ni dating Health Secretary Garin, tanging opinyon lamang ni Senador Gordon ang mga binanggit sapagkat hindi pa ito sinasangayunan ng buong Senado. Nakita na umano ang bias ng mambabatas laban sa kanila sa simula pa lamang ng pagdinig.

Hindi umano buo at walang kinikilingan ang pahayag ni Senador Gordon. Naglalaman ito ng mga kaduda-dudang pahayag.

Malinis umano ang kanyang konsenya at handa siyang humarap sa mga akusasyon sa tamang lugar at sa tamang panahon, dagdag pa ni dating Secretary Garin.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>