|
||||||||
|
||
Pamahalaang Filipino, ipatutupad ang batas
IPATUTUPAD NG PILIPINAS ANG MGA BATAS NITO. Sinabi ni Secretary Alan Peeter Cayetano (gitna) na ipatutupad ng pamahalaan ang batas into at hindi papayagan ang mga banyaga na makialam sa mga usaping pang-bansa. Nasa larawan din ang mga opisyal ng FOCAP. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Forreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano na ipatutupad ng pamahalaan ang batas nito upang isulong ang independent foreign policy.
Sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina, sinabi ni G. Cayetanbo na limitado ang nilalaman ng visa na ibinibigay sa mga dumadalaw na banyaga. Ipinaliwanag niyang ang turista ay hindi kailanman papayagang manghimasok sa mga usaping limitado para sa mga Filipino.
Ipinaliwanag din niyang kung ang isang tao ay misyonero, inaasahan siyang magtuturo ng kabutihang asal at maayos na pamumuhay.
Ito ang kanyang tugon sa mga tanong hinggil sa pagbabawal pumasok sa isang Italyano at ang pagsisiyasat sa kay Sister Patricia Anne Fox, 71-taong-gulang noong nakalipas na Lunes.
Samantala, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ang Sandatahang Lakas ng Plipinas ang nag-utos na dakpin si Sr. Patricia Anne Fox na mula sa Australia.
Sa kanyang talumpati sa change of command ceremony sa Campo Aguinaldo, sinabi ni G. Duterte na sa kanya nagmula ang utos na ipinatupad ng Bureau of Immigration. Siya umano ang mananagot sa pangyayari.
Ipinag-utos umano niyang siyasatin at hindi ipatapon kaagad subalit anyayahan ang madre upang masiyasat sa tinaguriang disorderly conduct.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |