Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Libu-libong manggagawa, magmamartsa bukas

(GMT+08:00) 2018-05-01 15:57:51       CRI

AABOT sa 8,000 mga manggagawa ang magsasama-sama sa pagkilos upang manawagan sa pamahalaan na wakasan na ang kontraktuwalisasyon. Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina, sinabi ni Anakpawis Congressman Ariel Casilao na nararapat pangatawanan ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong wawakasan ang kakaibang programa para sa mga manggagawa.

MGA MANGGAGAWA MAGMAMATRSA BUKAS,  Ito ang sinabi ni Anakpawis Congressman Ariel Casilao (gitna) upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na pangatawanan ang kanyang pangakong wawakasan ang kontraktuwalisasyon.  Nasa kallwa si G. Sammy Malunes ng Kilusang Mayo Uno at nasa kanan naman si Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines.  (Melo M. Acuna)

Sinabi naman ni Sammy Malunes ng Kilusang Mayo Uno na nakalulungkot na tatlong ulit silang nagharap nina Pangulong Duterte sa pagbuo ng executive order na bigla na lamang sasabihing 'di ito malalagdaan. Ikinalungkot din niya ang pagpapasa nito sa Kongreso sapagkat patuloy na lalabnaw ang kanilang panukala.

Ayon naman kay Alan Tanjusay ng Trade Union Congress of the Philippines na umasa sila subalit hindi naman nagkatotoo. Sa likod nito, sinabi ni Atty. Sonny Matula na may posibilidad pang malagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order sapagkat mahilig sa sorpresa ang pangulo.

Ito rin ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Malacanang kanina. Depende umano ang magiging paglagda sa pag-uusap nina Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III ngayong gabi.

Umaasang magkakaroon ng 8,000 manggagawa na magsasama-sama sa Mendiola upang manawagan sa pamahalaan. Nakahanda naman ang may 10,000 tauhan ng Philippine National Police upang dumalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan bukas.

Sa Lungsod ng Maynila, may inilaang 2,000 mga pulis na ilalabas mula ikalima ng umaga sa may Embahada ng Estados Unidos, sa may punong tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros at maging sa Liwasang Bonifacio.

Dadalo naman si Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa sa Cebu City sa ganap na ika-sampu ng umaga.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>