|
||||||||
|
||
Sr. Patricia Fox, nagsumite ng kanyang motion for reconsideration
NAGPASALAMAT si Sr. Patricia Anne Fox sa lahat ng nakiisa at nagparating ng pagkabahala sa kanyang kalagayan sa Pilipinas matapos mag-utos ang Bureau of Immigration na pawalang-saysay ang kanyang missionary visa noong nakalipas na linggo.
SISTER PAT, NAGPASALAMAT. Sinabi ni Sr. Pat Fox na lobos siyang nagpapasalamat sa mga nakiisa at nagpaabot ng pagdamay sa kanyang kalagayan matapos dakpin ng Bureau of Immigration. Sa idinaos na programa sa Arzobispado de Manila, sinabi ni Sr. Pat na nanindigan lamang siya sa iyon sa turo ng Simbahan. (Melo M. Acuna)
Sa isang programang idinaos sa Arzobispado de Manila, sinabi ni Sr. Pat, na hindi niya akalaing ang kanyang pahayag na nakabatay sa turo ng Simbahan ay magiging dahilan upang pabalikin siya sa kanyang bansang Australia.
Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang pakikiisa sa nakatakdang ipatapong madre sina dating Socioeconomic Planning Secretary Solita Collas-Monsod, Commission on Human Rights Chair Chito Gascon, Sr. Mary John Mananzan at mga kinatawan ng mga maralitang tagalunsod, mga katutubo at maging mga dati at kasalukuyang political prisoners.
Nagmartsa sina Sr. Pat at mga kasama patungo sa Bureau of Immigration sa paghahatid ng kanyang Motion for Reconsideration.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |