Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sakay ng Balangay, expedition team ng Pilipinas, tumungo sa Tsina: dumalaw sa puntod ng sultan ng Sulu sa Dezhou

(GMT+08:00) 2018-05-17 16:55:13       CRI

 

Balangay Expedition Team ng Pilipinas sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Sa okasyon ng ika-601 taong anibersaryo ng pagdalaw ni Sultan Paduka Batara ng Sulu sa Tsina, dumating kamakailan sa Dezhou, siyudad sa lalawigang Shandong, dakong silangan ng Tsina ang Balangay Expedition Team ng Pilipinas upang bigyang-pugay ang nasabing Pilipinong sultan at pasalamatan siya sa kanyang mga ginawa upang patatagin at pasulungin ang relasyong Pilipino-Sino.

Embahador Jose Santiago Sta.Romana habang nagtatalumpati

Bukod dito, nagtungo rin ang nasabing grupo sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing upang katagpuin si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sta. Romana, na sa mga panahon ng Dinastiyang Tang (618-907AD) at Song (960-1279AD), nagsimula ang relasyon ng Pilipinas at Tsina, at ito'y sa pamamagitan ng pagkakalakalan ng mga sinaunang Pilipino at Tsino.

Aniya, malaki ang papel na ginampanan ng Balangay sa pagkakabuo ng relasyong ito, dahil ito ang unang paraan ng mga Pilipino upang maglayag sa dagat.

Anang embahador Pilipino, ang pagdalaw ni Sultan Paduka Batara sa kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming ay isang matatag na pundasyon at ebidensya kung gaano katibay, at di-nagmamaliw ang pagpapalitan ng mga mamamayang Pilipno at Tsino.

Samantala, ang pagdalaw naman aniya ng Balangay expedition team ng Pilipinas sa Tsina ay nagsisilbing simbolo ng patuloy pang pag-usbong ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong rehiyon ng Timogsilangang Asya.

Ipinahayag ng embahador na ang paglalayag ng nasabing grupo papunta sa Tsina, gamit ang Balangay ay isang pagpapakita sa mundo, na ang Pilipinas ay tumatahak sa landas ng indipendiyenteng polisiyang panlabas, at ang bansa ay kaibigan ng lahat at kaaway ng walang sinuman.

Handa aniya ang Pilipinas na makipagkooperasyon sa lahat at magpupunyagi ito, sa tulong ng Tsina upang ang South China Sea ay maging karagatan ng pagkakaibigan at hindi karagatan ng di-pagkakaunawaan.

Art Valdez, Puno ng Balangay Expedition Team

Ipinahayag naman ni Art Valdez, Puno ng Balangay Expedition Team, ang pasasalamat kay Embahador Sta. Romana at mga kagawad ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina.

Aniya, mahabang panahon ang ginugol at napakaraming mga pagsubok ang kanilang kinaharap upang ang aktibidad na ito ay magkatotoo.

Mahigit 1,000 notikal na milya, sa gitna ng masungit na panahon ang aming nilayag upang makarating sa Tsina, dagdag ni Valdez.

Layon aniya ng biyaheng ito na gunitain ang ika-601 taong pagdalaw ng sultan ng Sulu sa Tsina.

Dagdag pa niya, ang malalaking katawan ng katubigan sa Timogsilangang Asya na gaya ng Dagat Java, Dagat Sulu, Dagat Celebes, South China Sea, at Gulpo ng Thailand ay mga linya ng transportasyon at komunikasyon ng ating mga ninuno, at ang mga katubigang ito ay nagsilbing paraan upang ma-unipika ang mga mamamayan ng Timogsilangang Asya at Tsina.

Hindi aniya kailanman naging instrumento ang mga ito upang magkawatak-watak ang ating mga ninuno.

Mga miyembro ng Balangay Expedition Team, sa kanilang pagpiprisinta ng aklat kay Embahador Sta. Romana

Aniya pa, pinapa-ala-ala ng Balangay na kanilang ginamit sa paglalayag sa Tsina ang libu-libong taong pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.

Dahil sa pagkakaisang ito ng ating mga ninuno, nagkaroon ng kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon ng Timogsilangang Asya, at ito rin ang dapat nating gawin gawin sa ngayon, dagdag ni Valdez.

Aniya pa, ang people-to-people contact ang permanenteng linyang nagbibigkis sa ating mga mamamayan, at sa pamamagitan nito, aanihin ng mga mamamayang Pilipino at Tsino ang mas maraming kapakinabangan, tulad ng ginawa ng mga sinaunang Pilipino at Tsino.

Tatlong Balangay ang ginamit ng nasabing grupo sa paglalayag sa Tsina, at kabilang dito ang Sama Tawi-Tawi , Lahi ng Maharlika, at Sultan Sin Sulu (pangunahing Balangay).

Laruang Balangay

Ang grupo ay binubuo ng 35 miyembro, kabilang na sina Noelle Wenceslao at Carina Dayondon, mga kauna-unahan at 2 natatanging babaeng naka-akyat at nakatawid sa Bundok Everest, at hanggang ngayon, hindi pa nasisira ang kanilang rekord.

Mga nakasulat sa likod ng t-shirt ng Balangay Expedition Team

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Bentahe ng Pilipinas sa Negosyo, ipinagmalaki sa Beijing 2018-04-26 20:12:03
v BFA, ano ba ito? 2018-04-13 16:47:32
v Xiong'an New Area 2018-04-04 17:08:57
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>