Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kaunlarang nakakamtan ng bansa, malabnaw para sa manggagawa

(GMT+08:00) 2018-05-17 17:54:49       CRI

SA likod ng magandang nagaganap sa ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2018 na kinatagpuan ng kaunlarang 6.8% sa ekonomiya, hindi pa rin ito napakikinabangan ng mga karaniwang mamamayan, partikular ng mga manggagawa.

Ayon sa IBON, isang non-government organization na dalubhasa sa pananaliksik, kahit pa sinasabi ng pamahalaang mayroon nang sandigan ang mga pagbabago sa ekonomiya, tanging mga hanapbuhay na mababa ang pasahod at walang katiyakan ang nakakamtan.

Naunang binanggit ni Secretary Ernesto M. Pernia ng National Economic and Development Authority na lumago ang ekonomiya ng 6.8% at kabilang sa mga nangungunang bansa sa rehiyon, tulad ng Vietnam na nagtamo ng 7.4% growth tulad rin ng Tsina.

Nabanggit ni Secretary Pernia na ang infrastructure development ang nagpapasigla ng ng bansa at nagsimula nang pakinabangan ang Build, Build, Build. Binanggit pa na maaari nang umuwi ang mga manggagawa sa ibang bansa upang dito na magtrabaho.

Ayon sa IBON, lumago ang underemployment, part-time work at maging ang informal work ng tig-iisang milyon bawat isa. Sinabi pa ng IBON na sa paglago ng ekonomiya na nararapat sanang magkaroon ng kakayahang magpasigla sa paggawa kaya nga lamang ay mababa ang pasahod at walang katiyakang magtatagal ang trabaho.

Mula Enero ng 2017 hanggang Enero ng 2018, lumago ang bilang ng hanapbuhay sa pagsasaka ng may 2.4 milyon, services, manufacturing at construction. Subalit ang bilang ng underemployed o mga taong naghahanap ng dagdag na trabaho ay lumago mula sa 6.4 hanggang 7.5 milyon. Ang part-time workers o mga taong nagtrabaho ng wala pang 40 oras sa isang lingo ay nadagdagan ng 1.2 milyon mula sa 13.5 hanggang 14.7 million.

Ang mga nasa larangan ng informal work o hanapbuhay na walang katiyakan, mababa ang sahod at halos walang benepisyo ay nadagdagan ng 1.4 milyon mula sa 14.6 at nakamtan ang bilang na 16 milyon.

Kumakampi umano ang pamahalaan sa mga may-ari ng mga bahay-kalakal. Nanawagan ang. IBON sa pamahalaan na kumilos upang magkaroon ng malakas na domestic economy upang magkaroon ng matatag na trabaho upang higit na lumakas ang kakayahan ng mga mamamyang makapamili ng kanilang mga kailangan upang higit na sumigla ang ekonomiya ng bansa.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>