|
||||||||
|
||
20180507 Melo Acuna
|
UMABOT lamang sa 4,251 drug suspect ang napaslang samantalang higit sa 140,000 ang nadakip sa walang-humpay na kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa bawal na gamot.
Sa isang briefing sa Kampo Crame, sinabi ng mga opisyal ng pulisya at mga tagapangasiwa sa mga balita mula sa Malacanang na napapaloob ito sa kanilang ulat na pinamagatang #RealNumbersPH.
Sinabi ni National Capital Region Police Director Camilo Cascolan na may utak ng OPLAN Tokhang at OPlan double Barrel, mula ang datos sa 98,799 na operasyon laban sa illegal drugs mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong unang araw ng Hulyo 2016 hanggang noong nakalipas na ika-30 ng Abril ng taong ito.
Ani Director Cascolan, inilabas nila ang datos upang maiwasan ang kaguluhan sa tamang bilang.
Noong nakalipas na buwan, nanawagan si dating NCRPO Director Oscar Albayalde sa European Parliament na ipakita kung saan nagmula ang kanilang datos na umabot sa 12,000 ang napaslang sa kampanya ng pamahalaan hinggil sa illegal drugs. Mula noong ika-20 ng Marso hanggang huling araw ng Abril ay umabot sa 176 na drug personalities ang napaslang ng pulisya.
Umabot naman sa 18,421 katao ang nadakip sa mga operasyon ng mga autoridad. Sa pagsusuri, umabot naman sa 302 kataong alagad ng pulisya ang nabatid na positibo sa illegal drugs. Mayroong walong kawani ng pulisya na nabatid na positibo rin sa illegal drugs samantalang may 265 katao ang napatalsik sa kanilang tungkulin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |