|
||||||||
|
||
20180524melo.m4a
|
Mamadaliin ang rehabilitasyon ng Marawi City
MULA sa Marawi City, tiniyak ng pamahalaang minamadali nila ang pagsasaayos ng napinsalang lungsod.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nasa gunita ng pamahalaan ang Marawi City at nagpupugay sa mga nagbuwis ng buhay sa mga pumanaw na kawal.
Sa isang press briefing, sinabi niya na prayoridad na pamahalang maibalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan.
May 70% na umano ng mga nagsilikas ang nakabalik sa Marawi sa pamamagitan ng temporary shelters na itinayo ng pamahalaan.
Mayroon pa ring 67 evacuation centers sa Northern Mindanao at sa Lanao del Sur ang malilinis sa loob ng taon. Papayagan nang makabalik ang lahat ng mga IDP sa kanilang mga tinitirhan.
May 77,700 katao mula sa 10,835 pamilya ang pinayagan nang makabalik sa Most Affected Area o MAA,
Pinabulaanan niyang walang master plan para sa Marawi City, particular ang pag-aays sa Ground Zero. Ipapasa na ng gabinete sa susunod na buwan ang tinaguriang Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program. Gagawin na rin ang ground-breaking ngayong susunod na buwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |