|
||||||||
|
||
Ikasampung reklamong kriminal, ipinarating sa Kagawaran ng Katarungan
DINALA ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta ang ikasampung reklamong kriminal laban sa Sanofi Pasteur at kay dating Kalihim ng Kalusugan Dr. Janette Loreto Garin sa Kagawaran ng Katarungan kanina.
Ani Atty. Acosta, ang reklamo ay sa ngalan ni Fredeswinda N. Jajalla – Nimura na ina ng isang Naomi Nimura na nabakunahan ng Dengvaxia at nasawi noong nakalipas na Nobyembre ng 2017.
Pinananagot din ang Zuellig Pharma Corporation, ang namahagi ng bakuna sa bansa, mga manggagamot at kawani ng Kagawaran ng Kalusugan sa pagkasawi ni Naomi, 14 na taong gulang na nag-aaral sa Pasay City West High School. Nabakunahan ang biktima noong nakalipas na taon sa isang mass vaccination sa kanilang barangay sa F. B. Harrison St. sa Pasay City.
Noong nakalipas na Nobyembre ng 2017, nagtungo ang mga tauhan ng barangay sa tahanan ng biktima at nagsabing may libreng bakuna laban sa dengue. Natuwa pa umano ang ina ng biktima sapagkat mababakunahan ang kanyang anak ng walang malaking gastos.
Makailang ulit na nabakunahan ang biktima subalit noong nakalipas ng Nobyembre nagkaroon ng komplikasyon sa kalusugan ng biktima matapos ang isang sakuna. Pinaniniwalaang nagmula sa bakuna ang komplikasyon.
Samantala, hiniling ni dating Health Secretary Janette Garin sa Kagawaran ng Katarungan na pawalang-saysay ang mga reklamong criminal laban sa kanya hinggil sa pagkasawi ng mga kabataang sinasabing may koneksyon sa pagbabakuna laban sa dengue.
Sa kanyang 69 na pahinang counter-affidavit na dinala sa Kagawaran ng Katarungan kanina, hiniling ni Dr. Garin na pawalang saysay ang reklamo sa kawalan ng sapat na dahilan, kakulangan ng ebidensya at kawalan ng katuturan sa reklamong "reckless imprudence result in homicide" at paglabag sa Anti-Torture Law.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |