Mga karahasang mula sa mga rebelde, nababawasan
NAPUNA ng Armed Forces of the Philippines na bababawasan na ang mga karahasang mula sa mga rebeldeng Komunista sapagkat higit lamang sa 100 ang mga naganap sa unang anim na buwan ng taong 2018.
Sinabi ni Colonel Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP na mayroong 681 pangyayaring mula sa mga rebelled mula unang araw ng Enero hanggang ika-25 ng Hunyo noong 2017. Mayroong 455 insidenteng mula sa mga Komunista noong nakalipas na taon samantalang mayroon lamang 112 insidenteng naitala ngayong taon.
Bumaba rin ang mga panununog ng mga rebelde mula sa 77 insidente noong 2017 ay nakapagtala lamang sila ng 18 ngayong taon.
Iisa na lamang ang kidnapping incident ngayong 2018 mula sa 25 noong 2017. Sinabi rin ni Colonel Arevalo na umabot sa 6,659 na mga kasapi ng New People's Army at mga tagasunod nila ang sumuko sa tuloy at walang humpay na operasyon ng Armed Forces of the Philippines.
1 2 3 4 5