Gumaganda ang ekonomiya ng bansa
SINABI ni Gng. Alegria S. Limjoco na gumaganda ang takbo ng ekonomiya sa bansa. Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina, sinabi ng pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na nakatuon ang kanilang pansin sa pagsusulong na kalakal sa bansa at maging sa iba't ibang bansang nagpapahayag ng interes na makipagnegosyo sa mga Filipino.
Wala umano silang papanigan at balak na lumahok sa politika sapagkat para sa kanila, ang pagkakaroon ng hanapbuhay at maayos na kalakal ang nananatiling prayoridad. Na sa kalakal na sila bago pa man naluklok ang mga pinuno ng pamahalaan.
Samantala, sinabi naman ni Lito Anzures ng Kilusang Mayo Uno, nananatiling susi sa kabuhayan ang pangingibang-bansa sapagkat hindi naman nabibigyan ng magandang pagkakataon sa Pilipinas sapagkat nagpapatuloy ang kontraktualisasyon. Mababa pa rin ang sahid kayat umaabot na sa 13 milyong mga Filipino ang nasa labas ng bansa. Export labor policy ang nagaganap.
Mahalaga rin ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sapagkat magkakaroon ng tunay na repormang agraryo at pambansang industralisasyon.
1 2 3 4 5 6