|
||||||||
|
||
20180628 Melo Acuna
|
TINIYAK ni Bishop Reynaldo Evangelista ng Imus at chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na hindi sasama ang Simbahan sa anumang pagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.
Ito ang kanyang sinabi sa pagharap nila ni PNP Director-General Oscar Albayalde sa mga mamamahayag matapos ang kanilang pag-uusap sa CBCP Conference Room kaninang umaga.
PULISYA AT CBCP, NAG-USAP. Pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista (gitna) ang pulong nila ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Chief General Oscar D. Albayalde (Pang-apat mula sa kanan). Pinag-usapan nila ang mga iskung mahalaga sa kani-kanilang panig. (PNP Photo)
Makatitiyak umano ang madla na hindi makikiisa ang Simbahan sa anumang balak na yanigin ang pamahalaan,
Dumalaw si General Albayalde at mga opisyal ng Philippine National Police at nakipagpalitan ng mga pananaw hinggil sa mga isyu na hinaharap ng magkabilang panig. Humingi ng tulong si General Albayalde sa CBCP na makiisa sa kanilang kampanya upang maibsan ang mga paglabag sa batas ng mga pulis. Kailangan umanong tumulong ang simbahan sa pagpapagunita sa mga pulis ng kanilang mga obligasyon sa komunidad.
Tiniyak din ni General Albayalde na tanging batas ang sinusunod ng kanyang mga pulis sa pagpapatupad ng mga kautusan. Hindi umano nila mapapanatili sa serbisyo ang mga abusado.
WALANG DESTABLIZATION MULA SA SIMBAHAN. Tiniyak ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista (kaliwa) na walang anumang pagkilos sa Simbahan pang yanigin at pabagsakin ang pamahalaan. Maliwanag umano ito. Magkasamang humarap sina Bishop Evangelista at PNP Director General Oscar Albayalde sa mga mamamahayag kaninang amaga matamos ang kanilang plong sa CBCP. (Melo Acuna Photo)
Bagama't kinikilala nila sa pulisya na nalutas na ang mga pagpatay sa tatlong pari mula noong Disyembre hanggang noong nakalipas na ikasampu ng Hunyo, tuloy pa rin ang imbestigasyon sapagkat inaalam pa nila ang motibo ng pagpatay. Tumanggi rin si General Albayalde na sabihing may kulay politika ang mga pagpatay.
Sa panig ni Bishop Evangelista, sinabi niyang ipararating niya sa mga Obispo ang kahilingan ni General Albayalde na magtulungan sa pagpapahusay ng pulisya sa buong bansa.
Tutulong umano ang mga Obispo sa layuning magtulungan upang matiyak ang kapayapaan sa bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |