|
||||||||
|
||
Bureau of Immigration at tanggapan sa Catholic Bishops Conference of the Philippines lumagda sa kasunduan
KASUNDUAN NG BUREAU OF IMMIGRATION AT CBCP, NALAGDAAN NA. Magtutulungan ang CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations at Bureau of Immigration sa mga dokumento ng mga bandaging misyonero sa Pilipinas. Lumagda sina Arsobispo Antonio Ledesma, SJ at Deputy Immigration Commissioner Atty. J. Tobias M. Javier. Sumaksi sa paglagda sina CBCP president Arsobispo Romulo Valles (nakatayo, kaliwa) at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangalawang pangulo ng CBCP. (EMCR Photo)
PATULOY na kinikilala ng Bureau of Immigration ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na katulong ng mga banyagang misyonerong naglilingkod sa bansa upang maayos ang kanilang ga missionary visa at mga extension kasama na ang permanent residence, grace period extensions, emigration clearance, re-entry at iba pang mga pahintulot.
Sa kasunduang nilagdaan kahapon, kinikilalang opisyal at ginagarantiyahan ng CBCP ang pagiging legal na misyonero sa loob ng bansa. Obligasyon ng CBCP na alamin kung tunay ang mga dokumento ng mga banyagang maglilingkod sa bansa. Hindi na rin mangangailangan ng barangay clearance kung dadaan sa CBCP ang mga dokumento.
Tatagal na ang missionary visa ng tatlong taon subalit hindi na hihigit sa sampung taon. Sasailalim ng pagpoproseso ng Bureau of Immigration sa loob ng 60 araw ang mga dokumento na daraan sa CBCP.
Titiyakin ng CBCP na lilisan na ng bansa ang mga misyoneryo sa pagtatapos ng kanilang visa. Ang mga hihiling ng extension sa kanilang missionary visa ay kailangang magpaproseso tatlong buwan bago matapos ang takdang panahon. Hindi na hihilingan ng US$ 50,000 investment/inward remittance ang mga aplikante para sa permanent residence sa mga misyonero kung sila ay sa pamamagitan ng quota immigrant visa. Maglalaan ang Bureau of Immigration ng limang quota immigrant numbers sa bawat nationality sa bawat taon sa mga relihiyosong naglilingkod sa Pilipinas. Bibigyan ng prayoridad ang mga misyonero na magtatagal ng higit sa sampung taong itinakda.
Ang mga lumagda sa kasunduan ay sina Atty. Tobias M. Javier, ang deputy commissioner ng Bureau of Immigration at si Arsobispo Antonio J. Ledesma, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Religious.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |