|
||||||||
|
||
Moro Islamic Liberation Front umaasang makakapasa ang Bangsamoro Basic Law
MILF, UMAASANG MAKAPAPASA ANG PANUKALANG BATAS. Naniniwala si MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal na makakalusot ang Bangsamoro Basic Law na paguusapan ng dalawang kapulungan sa susunod na linggo. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal na makapapasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law na nakatakdang pag-usapan ng 18 kongresista at sampung senador sa mga susunod na araw.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Iqbal ang kanilang panukala ay nagmula sa kanilang mga pagsusuri sa iba't ibang karanasan ng mga nakidigma sa Northern Ireland, Nepal, Vietnam, Tsina at iba pang mga lipunan. Kinuha nila ang mga aral na makabubuti sa mga Bangsamoro na siyang naging sandigan ng kanilang panukala.
Bagama't magkahiluntulad ang pamamaraan ng Moro Islamic Liberation Front at Communist Party of the Philippines at New People's Army, magkaiba ang kanilang mga layunin sapagkat nais ng mga komunistang mapalitan ang pamahalaan ng kanilang sariling paraan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Naniniwala umano ang mga Komunistang pinamumunuan ni Prof. Jose Ma. Sison na hindi kailanman magkakasama ang komunismo at kapitalismo.
Hindi umano kinikilala ng MILF na kalaban ang pamahalaan kahit pa mayroong mga mapanggipit na pamamalakad ito. Tanging kahilingan nilang magkaroon ng bahagi ng Mindanao na kanilang mapapangalagaan at mapapatakbo tulad ng kanilang mga layunin.
Handa umano silang makipagtulungan sa pamahalaan upang makarating ang kaunlaran sa kanilang mga kanayunan.
Samantala, sinabi rin ni G. Iqbal na bagama't natapos na ang mga sagupaan sa Marawi City, nananatili pa rin ang problema na nag-uugat sa kawalan ng pag-asa ng mga mamamayan. Isang malaking hamon sa pamahalaan ay kung magpapatuloy ang pangangako nito at hindi magkatotoo ang mga ipinangako.
Karamihan ng mga kabataang Bangsamoro ang naniniwalang may magagawa sila para sa kanilang lipunan. Mayroon ding sense of idealism ang mga kabataang ito kaya't kung mapabayaan ay posibleng magdulot na mas malaking problema.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |