|
||||||||
|
||
20180604 Melo Acuna
|
SINABI ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na walang ebidensyang nakamamatay ang Dengvaxia vaccine 'di tulad ng sinasabi ng mga nag-aakusa.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos dalhin ang kanyang counter-affidavit sa Department of Justice sa reklamong criminal negligence, sinabi ng dating pangulo na mas marami ang benepisyong makakamtan sa pagbabakuna.
Ipinaliwanag niyang wala pang nakikitang dahilan ng pagkamatay ang kontrobersyal na bakunang Dengvaxia.
Ayon umano sa mga pagsusuri, aabot lamang sa 0.2 percent ng mga nakatanggap ng Dengvaxia na hindi nagkaroon ng dengue ang maaaring magtamo ng matinding sakit.
Anang dating pangulo, aabot umano sa 99.8 percent ng mga nabakunahan ang magkakaroon ng proteksyon sa karamdaman ng hindi bababa sa halos dalawa't kalahating taon.
Nabawasan umano ang symptomatic dengue, pagkakaospital dahil sa dengue at malubhang dengue. Nawawalan umano ang bansa ng may P 16 bilyon sa bawat taon dala ng karamdamang ito lalo pa't umabot na sa 200,000 ang nagkaroon ng karamdamang ito noong 2013.
Ang bakuna'y ibinigay sa higit sa 830,000 kabataan sa ilalim ng mass dengue immunization program. Sinimulan ang pagbabakuna noong panahon ng Aquino administration at nasuspinde lamang noong nakalipas na Disyembre ng 2017.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |