|
||||||||
|
||
Pagsibak sa deputy ombudsman, naka-amba
SINABI ni Ombudsman Samuel Martires na wala siyang magagawa kungdi ipatupad ang kautusan ng Malacanang na nagpapatalsik kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang sa oras na maging pinal ang desisyon.
Wala umano siyang magagawa kungdi ipatupad ang kautusan at wala siyang nakikitang problema kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang kaya't ipatutupad lamang ang kautusan.
Pinatalsik si Overall Deputy Ombudsman Carandang ng Malacanang noong Lunes, ika-30 ng Hulyo dahil sa graft and corruption at betrayal of public trust at may 15 araw na palugit upang umapela siya sa kinauukulan.
Sa oras umanong tanggihan ng Malacanang ang apela, ay ipatutupad na ng Ombudsman ang kautusan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |