UMALIS na sa kanyang tanggapan si Secretary Liza Maza, ang nangangasiwa sa National Anti-Poverty Commission. Sa isang press conference, sinabi ni Secretary Maza na hindi na magbabago pa ang kanyang isip at naipadala na niya ang kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.
Larawan ni NAPC Secretary Liza Maza (File Photo/Melo Acuna)
Hindi na umano niya magaganapanan ang kanyang tungkulin sa kalakarang nagaganap ngayon. Ang pagtatapos ng pag-uusap pangkapayapaan ng pamahalaan sa National Democratic Front ang isang malaking dahilan sa kanyang pagbibitiw.
Binanggit din niya sa kanyang pahayag na ang walang katuturang kasong pagpatay na napawalang-saysay din naman na naging dahilan ng kanyang pagpuri sa justice system ng bansa, ang pagbuhay sa isang matagal ng nalutas na usapin at ang paglalabas ng warrants of arrest ay nakaapekto sa kanyang gawain sa National Anti-Poverty Commission. Napagtanto umano niyangang mga panggigipit ng mga kontra sa pagbabago at reporma at mga kinatawan ng tanggulang pambansa ay magpapatuloy na magpapahirap sa kanyang pamamalakad sa tanggapan.
Lumahok umano siya sa gabinete higit na sa dalawang taon sa pag-asang magkakaroon ng katuturan ang socio-economic at political reforms mula mismo sa loob ng pamahalaan.
1 2 3 4