Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduan ng Tsina at Pilipinas sa joint exploration malaman na malagdaan na

(GMT+08:00) 2018-08-17 18:14:55       CRI

Kasunduan ng Tsina at Pilipinas sa joint exploration malaman na malagdaan na

MAGTUTUNGO SA BEIJING SI SECRETARY CAYETANO. ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag kagabi. Pakay niyang malagdaan ang kasunduan sa joint exploration sa South China Sea. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Foreign Secretary Alan Peter S. Cayetano na malamang na malagdaan na sa susunod na buwan ang kasunduan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa joint exploration ng yamang nasa ilalim ng karagatan.

Sa isang panayam kagabi matapos ang pagtitipon ng mga kinatawan ng mga bansa hinggil sa migration sa Conrad Hotel, sinabi ni Secretary Cayetano na magtutungo siya sa susunod na buwan sa Beijing.

Nakausap na niya ang mga dalubhasang Filipino sa batas at sa larangan ng oil and gas at mayroon na ring pag-uusap ang mga dalubhasa sa Tsina kaya't umaasa siyang wala nang magiging balakid sa napipintong joint exploration sa South China Sea.

Ipinaliwanag niyang isinasaisangtabi na muna ng mga bansa ang isyu ng soberenya at nakatuon na lamang ang pansin sa pagtuklas ng yamang nasa ilalim ng karagatan upang pakinabangan ng dalawang bansa.

Wala umanong magiging balakid sa larangan ng batas sapagkat posibleng mas maganda pa sa kasunduang ipinatutupad sa Malampaya na 60-40 ang magaganap sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Kailangan lamang matuklasan kung ano ang yamang nasa ilalim ng karagatan bago pag-usapan pa ang ibang detalyes. Wala umanong malalabag na probisyon sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Matagal na umanong isinulong ng Tsina ang joint exploration na naudlot lamang noong panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ipinaliwanag din ni G. Cayetano na maganda ang katayuan ng relasyon ng dalawang bansa sapagkat ang mga 'di nakakamtan noong nakalipas na pamahalaan ay pinakikinabangan na ng mga mangingisda sa West Philippine Sea.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>