|
||||||||
|
||
TRAIN, pahirap sa mga mamamayan
LABAN KONSYUMER PRESIDENT ATTY. VIC DIMAGIBA. Malaking bahai ng pagtaas ng presto ay dahil sa TRAIN. Maliit na bahagi ng pagtaas ng presyo ay dahil sa petrolyo, dagdag pa ng dating Undersecretary ng Department of Trade and Industry. (Melo Acuna)
TALIWAS sa ibinalita ni Finance Asst. Secretary Tony Lambino, sinabi ni dating Trade and Industry Undersecretary at pangulo ng Laban Konsyumer Atty. Vic Dimagiba, sinisisi ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Noong 2013, umabot sa US$ 105 ang bawat bariles at nakamtan ang 3% inflation. Ngayon, kahit bumaba ang halaga ng crude oil mas mataas pa ang inflation. Naganap ito ng ipatupad ng pamahalaan ang TRAIN.
Marami umanong panukala, bawasan ang excise tax at ipinagmamalaki pang tumaas ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue and Bureau of Customs subalit 'di naman magamit ang salapi sa mga programang nararapat pakinabangan ng mga mamamayan.
Ayon naman kay Sonny Africa ng IBON Foundation, hindi maaaring itanggi ng pamahalaan na walang kinalaman ang TRAIN sa pagtaas ng bilihin. First Round pa lang ang pagtaas na ito at tataas pa iyan sa mga susunod na taon. Iniiwasan ng pamahalaang pag-usapan ang epekto ng TRAIN sa halaga ng bilihin.
Hindi rin naman pakikinabangan ng mga mamamayan ang malalaking proyekto sa Build, Build, Build sapagkat ang makikinabang sa mga ito ay ang malalaking kalakal at mayayamang mamamayan sapagkat ang gagastusan ay ang mga pagawaing-bayang may kinalaman sa transportasyon at hindi naman magpapasigla sa ekonomiya.
Ipinagtanong ni Atty. Dimagiba kung ramdam ba ng mga economic manager ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo. Kung hindi nila nadarama ang pangyayaring ito, tiyak na hindi makatutugon sa hinaing ng mamamayan ang kanilang mga programang ipatutupad.
Sa panig ni G. Africa, makabubuting suspendihin muna ang pagpapatupad ng TRAIN at itigil muna ang mga usapan hinggil sa TRAIN 2. Marapat lamang pondohan ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Walang kasalanan ang mga magsasaka kung hindi sila produktibo.
Kailangan lamang na bantayan ng pamahalaan ang mga nagaganap. Mahalagang bantayan ang magaganap sa ikalawang bahagi ng 2018. May poder naman ang pamahalaan kung talagang gugustuhin ay mapapawalang-saysay ang TRAIN Law sapagkat kung nanaisin ay may kaakibat na paraan subalit kung tatanggihan ay tiyak na mayroong mga dahilan.
Kapwa panauhin sina Atty. Dimagiba at G. Africa sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina. Kasama nila si Asst. Director Sammy Malvas ng Bureau of Fisheries ang Aquatice Resources.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |