|
||||||||
|
||
Kawalan ng kagamitan sa paliparan, malaking kahihiyan
PONDOHAN ANG SEKTOR NG PAGSASAKA AT PANGINGISDA UPANG HIGIT NA SUMIGLA ANG EKONOMIYA. Ito naman ang panawagan ni G. Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation. Hindi umano makikinabang ang mahihirap sa big ticket projects sa Build, Build, Build. (Melo Acuna)
SINABI ni PBA Party List Congressman Jericho Nograles na kailangang bumili ang pamahalaan ng makabagong rescue, lifting at firefighting equipment para sa mga paliparan.
Ginawa ni Nograles ang pahayag kasunod ng sakunang naganap sa Ninoy Aquino International Airport na kinasangkutan ng isang Xiamen Airlines na naging dahilan ng pagsasara ng paliparan ng ilang araw.
Hindi ito kasalanan ng mga opisyal ng paliparan bagkos ang nakakahiya ay ang pagtugon sa emergency na tila walang magawa ang pamahalaan sapagkat walang kagamitan.
Nailipat na rin ang eroplano sa isang bahagi ng paliparan. Sa pagtagal ng 36 na oras bago naalis ang nasirang eroplano nakita ang kawalan ng kahandaan ng pamahalaan. Kahiya-hiya ang naganap na umarkila pa ng malalaking crane upang maalis ang eroplano, dagdag pa ng mambabatas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |