|
||||||||
|
||
20180829melo.m4a
|
Mga manggagawa mula sa United Arab Emirates, dumating kanina
MGA MANGGAGAWA MULA SA UNITED ARAB EMIRATES, NAKAUWI NA. Dumating ang 125 mga maggagawang gumamit sa amnesty ng UAE. Umabot na sa 345 manggagawa ang nakabalik sa bansa. (DFA Photo)
SINALUBONG ng Department of Foreign Affairs ang 125 mga Filipinong mula sa Abu Dhabi at Al-Ain na sumailalim sa amnesty program ng bansa. May 118 ang kababaihan at may isang menor-de-edad.
Sila ang ikatlong grupo ng manggagawang umuwi sa Pilipinas. Umabot na sa 341 ang nakauwi ng matiwasay sa Pilipinas mula nang simulan ang amnesty program ng United Arab Emirates.
Pinamunuan ni Senior Special Assistant Olivia Valera Palala ng DFA Undersecretary for Migrant Affairs ang pamamahagi ng tiglilimang libong piso para sa mga umuwing manggagawa. Sagot din ng Department of Foregin Affairs ang pamasahe pauwi sa mga lalawigan ng mga umuwing manggagawa.
Hanggang huling araw ng Oktubre ang amnesty ng United Arab Emirates para sa mga banyagang illegal na pumasok sa kanilang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |