|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, maglalakbay patungong Jordan
DFA NAMIGAN NG P 5,000 SA BAWAT MANGGAGAWA. Makikita si Senior Special Assistant Olivia V. Palala na nag-aabot ng P 5,000 sa bawat manggagawang umuwi ng bansa. Sagot din vila ang pamasahe pauwi sa mga lalawigan ng mga manggagawa. (DFA Photo)
INANYAYAHAN ng Hari ng Jordan, King Abdullah II kaya't dadalaw si Pangulong Duterte sa Hashimite Kingdom of Jordan mula ikalima hanggang ikawalo ng Setyembre.
Sa pagdalaw na ito, magkakaroon ng ibayong pagpapasigla at pagpapalalim sa relasyon ng dalawang bansa sa layuning manatili ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan. Ito ang buod ng pahayag ng Department of Foreign Affairs na inilabas ngayon.
Nakatakdang pag-usapan ng Hari ng Jordan at ng Pangulo ng Pilipinas ang mga isyung mahalaga sa dalawang bansa. Kasabay ito ng pag-uusap ng mga mangangalakal ng dalawang bansa upang mapalago ang kalakal sa Jordan at Pilipinas.
Makakusap din ni Pangulong Duterte ang Filipino community sa Jordan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |