|
||||||||
|
||
Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, pinuri ang Tsina
SPEAKER GLORIA MACAPAGAL-ARROYO DUMALO SA CHINA-ASEAN MAYORS FORUM. Makikita sa larawan si Speaker Arroyo sa kamyang talumpati sa pulong ng mga punong lungsod ng Tsina at mga bansang kabilang sa ASEAN. (Photo: House of Representatives/Philippines)
WALANG ibang nababatid na bansa si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nagbigay ng halaga sa mga pagawaing-bayan tulad ng Tsina. SA kanyang talumpati sa China-ASEAN Mayors Forum na idinaos sa Nanning noong nakalipas na Sabado, sinabi ni Gng. Arroyo na naglingkod ring Pangulo ng Pilipinas na pinahalagahan ng Tsina ang pananaw nitong gumamit sa makabagong teknologhiya.
Nangunguna ang Tsina, ani Speaker Arroyo sa paggamit ng kapital. Sa magandang relasyon ng Tsina sa mga bansang kabilang sa ASEAN, malaki ang magagawa ng Tsina upang higit na umunlad ang ASEAN sapagkat karamihan sa mga bansa ay salat sa kapital o salapi na maaaring magmula sa Tsina.
Nagamit ng Tsina ang pinagsanib na biyaya ng kapital, teknolohiya at pagpapatupad ng mga proyekto. SA pakikipagtulungan sa ASEAN, madadali ang pagkakatotoo ng 21st Century Maritime Silk Road na siyang magpapaunlad sa rehiyon at sa daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |