|
||||||||
|
||
Pagbubukas ng Boracay, nasa kamay na ng mga tanggapan ng pamahalaan
ANG Department of Interior and Local Government, ang Department of Environment and Natural Resources at Department of Tourism ang nararapat magkasundo at maglabas ng rekomendasyon sa pagbubukas na muli ng Boracay.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanilang pag-uusap ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Nabanggit noong nakalipas na buwan ni Tourism Secretary Bernadette Puyat na magkakaroon ng soft opening ang Boracay sa darating na Biyernes, ika-26 ng Oktubre.
Ani Pangulong Duterte, kailangang magkasundo ang tatlong ahensya upang mabuksan ang Boracay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |